Mga Pahina

Wednesday, June 11, 2014

Tagalog... Tag-Lish?

Marunong naman akong mag sulat sa Ingles pero tila nga yata hindi ko mabuo-buo ang punto at tamang balarila kapag pinagsama-sama ko na ang mga salita sa iisang talataan. Mas madali kong maipahayag ang anumang saloobin at ang nilalalaman ng malikhain kong isip kung wikang Pilipino ang gamit ko. O di kaya’y pagsamahin ang dalawang wika upang lubos na mabuo ang gusto kong maipunto sa ‘sang usapin. It made me so frustrated… kinakailangan ko pang punan ang kakulangan ko sa pagbuo ng idea kung ingles ang gagamitin kong salita. But I’m working on it. Minsan, maganda rin pa lang pagsamahin ang tagalog at ingles sa pagpapahayag ng idea. Dahil halos lahat ng mga Pilipino ay bi-lingwal, likas na madali at awtomatikong maisingit sa pag-uusap ang iilan sa mga lengguwaheg nakasanayan nating salitain. Kung saan ka talas sa pag gamit ng wika, kung saan mo lubos na maihayag ang iyong kuro-kuro’t kaisipan, kung saan ka lubos na maiintindihan….. ang pag gamit ng dalawa o ilan mang lengguwahe sa pagsusulat ay madaling tanggapin at masang-ayunan ng mga mambabasa at tagapakinig na me parehong kaunawaan nito.

Tuesday, June 10, 2014

Isang Piso kada sweldo

Madalas sabihin ng tatay ko, “ upang maging milyonaryo kelangan mong magtabi ng isang piso kada sweldo”. Ang isang piso’y representasyon lamang ng pag iipon, pagtatabi ng kahit anu mang halaga mula sa buwanan mong sahod. “ Gawin mo itong “dead money” dagdag niya. Na kung itinabi mo’y ituring mong yamang ibinaon sa limot. Hindi pangkaraniwang mag isip anga tatay ko, madalas ang tawag ko sa kanya “future tense”. Laging isinasaisip at isinasaalang-alang ang epekto ng gawain nya sa ngayon sa hinaharap. Pero ganoon dapat ang layunin pag nag iimpok. Ginagawa ang pag tatabi ng ng isang parte ng sahod mo dahil may layunin kang mag-ipon. Sa ibaba makikitqa ang Iilan lamang sa mga bentahe ng pag iimpok. 1. May huhugutin sa panahong kailangan mo ng pera. 2. Maiiwasan ang mangutang. 3. Malayang magawa ang ano mang bagay na nais mong gawin within your means 4. Maiiwasan ang interest na nakapaloob sa utang. 5. Dahil naiiwasan ang pangungutang, makakatulog ka ng mahimbing. 6. May pondong pwedeng gamitin kung sakaling mawalan ng trabaho. 7. Maiiwasan ang “stress”, mababawasan ang pag-aalala kung may karamtang ipon. Ang pag-iimpok o pag iipon ng pera ay may benepisyong dala mapa pisikal or “psychological” man. Ang importante ay mapahalagahan ang perang naipon mula sa pinaghirapan at mabigyang pagkakataon ang mga material na bagay na mapagsilbihan ka sa oras na iyong pangangailangan.

Sa Palasyo ng mga libro

Edad kuatro no’ng naisama ako ni Mama sa bahay ng kanyang pasyente. Isa na yata si Ginoong B sa mga pinakamayamang lolo sa gitnang Cotabato. Wala akong ibang matandaan noong panahong iyon kundi ang memoryang lumalagi ako sa napakalaking kwarto miyang puno ng libro. Pedestal ang bawat seksyon ng bookshelves. Tumitingala ako tuwing nais kong mapuna ang hilera ng animong isang libong libro. Di maialis sa mukha ko ang paghanga sa maayos na pag organisa nito’t pag ipon ng pagkarami raming hugis rektangulong babasahin. Minsan na ring sumagi sa isip ko ang magkaroon nito. Na balang araw may kwarto rin akong puno ng libro. Sa malawak na aklatang iyon doon ako nahilig at mag umpisang magbasa ng mga kwento. Di ko man siguro maisambit ang bawat titik na nakasulat sa kada-pahina, pero madali kong maintindihan ang buod dahil sa mga guhit at ilustrasyong isinima sa kwento. Ngayon, malayo pa man na mabuo ang isang kwarto ko na puno ng aklat, ngunit ang hilig kong mangulekta ng mga libro at pag bisita sa mga aklatan, ang pagkagusto kong bumuo at magsulat ng kwento ay maaring nagmula noong araw na ako’y nagawi sa isang munting palasyo ng mga libro.

Ako Ito, ang pluma, storya at iba pa

Minsan no’ng kabataan ko’y minithi kong magsulat… iyong hindi lang basta mailatag sa papel ang laman ng aking isip kundi yaong malayang maipahayag at mailathala ang aking akda upang ito’y malamlam at mabasa nang nakararami. Nasa Grade three yata ako ng matutong magbasa at mag ipon ng komiks sa bahay. Hindi ko malimutan ang Aliwan bilang isa sa mga pinaka paborito kong basahin no’ng ako’y otso. Nadurong ako sa ilustrasyon ng mga manunulat. Dahil doon nagsimula akong gumawa ng sarili kong komiks. Sa murang edad pingarap kong maging isang nobelista. Madalas kong maubos ang papel sa bahay. Puro drowing ng kung anu-ano ang laman nito. Masaya ako kapag nakakaipon ng tatlo hanggang limang pahina. Sabay ko itong inaayos at kini-clip upang mag mukhang komiks. Kinukulayan ko rin ang paunang pahina sabay lagay ng titulo. Iyon ang naging bungad ng kabataan ko. Maliban sa laro, pagsusulat ang isa sa mga libangan ko. Ewan at sa kung anong dahilan, bigla kong nakalimutan ito. Matagal ding panahong di ko nagagawang magsulat kagaya ng dati. Oo ‘t nagging literary editor and writer ako sa school publication namin nung ako’y nasa elementarya at high school ngunit hindi na ito nasundan mula nang mapili kong maging isang nurse. Sa isip ko…” meron namang mga school publication sa kolehiyo” “Doon ko na lang itutuon ang simbuyo ng damdamin ko sa pag-akda ng kwento pero tila nga yatang mailap ang pagkakataon. Sabay ng aking pagka abala sa klase, noon din natutop ang apoy ng hilig kong mag sulat muli