Tuesday, June 10, 2014
Isang Piso kada sweldo
Madalas sabihin ng tatay ko, “ upang maging milyonaryo kelangan mong magtabi ng isang piso kada sweldo”. Ang isang piso’y representasyon lamang ng pag iipon, pagtatabi ng kahit anu mang halaga mula sa buwanan mong sahod. “ Gawin mo itong “dead money” dagdag niya. Na kung itinabi mo’y ituring mong yamang ibinaon sa limot. Hindi pangkaraniwang mag isip anga tatay ko, madalas ang tawag ko sa kanya “future tense”. Laging isinasaisip at isinasaalang-alang ang epekto ng gawain nya sa ngayon sa hinaharap. Pero ganoon dapat ang layunin pag nag iimpok. Ginagawa ang pag tatabi ng ng isang parte ng sahod mo dahil may layunin kang mag-ipon. Sa ibaba makikitqa ang Iilan lamang sa mga bentahe ng pag iimpok.
1. May huhugutin sa panahong kailangan mo ng pera.
2. Maiiwasan ang mangutang.
3. Malayang magawa ang ano mang bagay na nais mong gawin within your means
4. Maiiwasan ang interest na nakapaloob sa utang.
5. Dahil naiiwasan ang pangungutang, makakatulog ka ng mahimbing.
6. May pondong pwedeng gamitin kung sakaling mawalan ng trabaho.
7. Maiiwasan ang “stress”, mababawasan ang pag-aalala kung may karamtang ipon.
Ang pag-iimpok o pag iipon ng pera ay may benepisyong dala mapa pisikal or “psychological” man. Ang importante ay mapahalagahan ang perang naipon mula sa pinaghirapan at mabigyang pagkakataon ang mga material na bagay na mapagsilbihan ka sa oras na iyong pangangailangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment