Mga Pahina

Tuesday, June 10, 2014

Sa Palasyo ng mga libro

Edad kuatro no’ng naisama ako ni Mama sa bahay ng kanyang pasyente. Isa na yata si Ginoong B sa mga pinakamayamang lolo sa gitnang Cotabato. Wala akong ibang matandaan noong panahong iyon kundi ang memoryang lumalagi ako sa napakalaking kwarto miyang puno ng libro. Pedestal ang bawat seksyon ng bookshelves. Tumitingala ako tuwing nais kong mapuna ang hilera ng animong isang libong libro. Di maialis sa mukha ko ang paghanga sa maayos na pag organisa nito’t pag ipon ng pagkarami raming hugis rektangulong babasahin. Minsan na ring sumagi sa isip ko ang magkaroon nito. Na balang araw may kwarto rin akong puno ng libro. Sa malawak na aklatang iyon doon ako nahilig at mag umpisang magbasa ng mga kwento. Di ko man siguro maisambit ang bawat titik na nakasulat sa kada-pahina, pero madali kong maintindihan ang buod dahil sa mga guhit at ilustrasyong isinima sa kwento. Ngayon, malayo pa man na mabuo ang isang kwarto ko na puno ng aklat, ngunit ang hilig kong mangulekta ng mga libro at pag bisita sa mga aklatan, ang pagkagusto kong bumuo at magsulat ng kwento ay maaring nagmula noong araw na ako’y nagawi sa isang munting palasyo ng mga libro.

No comments:

Post a Comment